Isang pagsubok ang pag-aaral noong nakaraang sem dahil hindi face-to-face ang pagdaraos ng mga klase kundi sa virtual na enviroment. Isa sa mga hadlang para sa akin ay ang weak Internet connection. Sa kabila ng lahat ay patuloy pa rin akong nagpursige na matuto upang makapasa sa bawat subject. Bilang scholar ng paaralan, na-appreciate ko rin ang mga learning modalities. Downloadable ang modules namin sa Moodle at pwede ko rin sagutan ang mga assignments kahit offline. May personalized account kaming mga students kaya may mga features na nakakatulong sa aming pag-aaral, tulad ng pag-view ng recorded classes kung sakaling may disruptions sa connection. Kaya napanatili ko ang scholarship at kasalukuyang lumalaban sa ikalawang taon ng aking pag-aaral sa NBSPI.